Tungkol sa Amin
Ang RFJ ay isang programa sa pagitan ng mga ahensya na nagbibigay ng gantimpala na itinatag alinsunod sa 1984 Act to Combat International Terrorism (Batas ng 1984 upang Malabanan ang Pandaigdigang Terorismo), Pampublikong Batas 98-533 (isinakodigo sa 22 U.S.C. § 2708) at pinangangasiwaan ng Bureau of Diplomatic Security (Kawanihan ng Diplomatikong Seguridad) ng State Department.
Misyon ng RFJ ang lumikom ng impormasyong tumutulong sa pagprotekta ng pambansang seguridad ng Estados Unidos.
Sa ilalim ng mga awtoridad sa batas ng 1984, ang orihinal na misyon ng RFJ ay maghandog ng mga gantimpala para sa impormasyon na
Noong 2017, inamyendahan ng Kongreso ang awtoridad sa batas ng RFJ para isama ang paghahandog ng mga gantimpala para sa impormasyong mauuwi sa
Ang mga inihahandog na gantimpala ay mula sa mababa sa $1 milyon hanggang $25 milyon.
Maaaring bayaran ng RFJ ang mga gantimpala sa mga kaso kung saan walang paunang paghahandog ng gantimpala.
Simula ng pagkakatatag nito, ang RFJ ay nagbayad ng mahigit $250 milyon sa mahigit 125 indibidwal na nagbigay ng magagamit na impormasyong nakatulong sa pagprotekta ng pambansang seguridad ng Estados Unidos.
Ang mga pagsusumikap na ito ay nakapagligtas ng hindi mabilang na buhay ng mga inosenteng mamamayan.
Bukod sa website ng RFJ, ginagamit namin ang mga naaayon sa wikang platform sa social media, paskil, matchbook, may bayad na anunsyo sa radyo at mga pahayagan, ang Internet, at anumang iba pang mga naaangkop na paraan upang ipaalam sa mga indibidwal na maaaring mayroong ibibigay na nauukol na impormasyon.
Kumpidensyalidad ang pangunahing aspeto ng programang RFJ. Hindi namin isinisiwalat sa publiko ang partikular na impormasyong isinumite bilang pagtugon sa aming mga inihahandog na gantimpala o mga pangalan ng mga indibidwal na tumatanggap ng kabayarang gantimpala, at hindi namin karaniwang isinisiwalat sa publiko na binayaran na ang gantimpala. Sa ilang kilalang-kilalang kaso, maaari naming ianunsyo ang pagbabayad ng gantimpala, ngunit hindi ang ibinigay na impormasyon o pangalan ng indibidwal na nagsumite nito.
Noong Pebrero 1995, si Ramzi Yousef, isa sa mga bumomba sa World Trade Center noong 1993, ay nahanap at naaresto sa Pakistan bilang resulta ng impormasyong ibinigay ng impormanteng tumugon sa handog na gantimpala ng RFJ.
Nagbigay rin ng ang RFJ ng maraming gantimpala sa mga indibidwal sa apat na magkakahiwalay na pampublikong seremonya sa pagbayad ng gantimpala sa Pilipinas. Noong Hunyo 7, 2007, sa isang pampublikong seremonya para sa gawad, ang RFJ ay nagbayad ng kabuuang $10 milyon. Ang kabayarang gantimpalang ito ang pinakamalaking kabayaran ng RFJ sa Pilipinas simula nang mag-umpisa ang programa.
Binayaran ng RFJ ng $3 milyon ang isang indibidwal na nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pag-aresto at paghatol sa pinuno ng terorista na si Ahmed Abu Khattalah, utak sa pag-atake sa pansamantalang misyong pasilidad at annex ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya noong 2012 na pumatay sa apat na Amerikado, kabilang ang embahador ng Estados Unidos.
Gaya ng nabanggit, paminsan-minsan ay gumagawa ng mga limitadong anunsyo ang RFJ tungkol sa mga kilalang-kilalang kabayarang gantimpala.
Nagbigay rin kami ng kumpidensyal na ulat sa Kongreso pagkatapos maibigay ang kabayaran.
Maaaring maging karapat-dapat sa gantimpala ang mga indibidwal kung nagbibigay sila ng impormasyong:
Sa pangkalahatan, ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi karapat-dapat sa gantimpala maliban kung nagbigay sila ng impormasyon na hindi sakop ng pagganap sa kanilang mga opisyal na tungkulin.
Kumpidensyalidad ang pangunahing aspeto ng programang RFJ. Mahigpit na pinananatiling kumpidensyal ng RFJ ang pagkakakilanlan ng mga impormanteng nagbibigay ng impormasyon at ng mga indibidwal na tumatanggap ng kabayarang gantimpala. Bukod dito, maaaring lumipat ng lugar ang impormante at ang kanyang pamilya depende sa sitwasyon.
Ang pagbabayad ng gantimpala ng RFJ ay isang prosesong kinapapalooban ng pag-uusap:
Ang mga halaga ng kabayarang gantimpala ay batay sa ilang salik, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: kahalagahan ng impormasyong ibinigay;antas ng panganib na pinahupa ng impormasyong natanggap;kalubhaan ng panganib o pinsala sa mga mamamayan o ari-arian ng Estados Unidos sa harap ng banta;ang panganib na kinakaharap ng impormante at kanyang pamilya;at ang antas ng pakikipagtulungan ng impormante. Walang ibinibigay na kabayaran bilang kapalit ng testimonya.
Ang kabayaran sa impormante ay maaaring anumang halaga sa kabuuang halaga ng dolyar ng inanunsyong handog na gantimpala.
Oo, ang Rewards for Justice ay nakapagtanggal ng iba’t ibang suspek sa listahan nito sa mga nagdaang taon, kabilang ang lider ng al-Qa’ida na si Usama bin Ladin at lider ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghdadi.
Maaaring alisin ang mga suspek sa listahan ng RFJ sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang kapag sila ay inaresto ng tagapagpatupad ng batas o mga pwersang panseguridad, nakumpirmang patay, o kaya ay idineklara ng opisyal na pinagmulan na hindi na isang banta.
Lubos naming tinututulan ang mga nangangaso ng gantimpala at iba pang mga indibidwal na hindi pampamahalaan na ipagpursigi ang paghuli sa mga terorista o iba pang indibidwal na pinaghahanap ng batas;sa halip, ang RFJ ay nagbibigay ng gantimpala para sa impormasyong magbibigay-daan sa naaangkop na awtoridad ng pamahalaan na mahanap at mahuli ang mga naturang indibidwal.
Ang mga indibidwal na may impormasyon ay kailangang i-text ang RFJ sa pamamagitan ng WhatsApp, Telegram, o Signal sa (202) 702-7843.
Maaari ring isumite ng mga indibidwal ang kanilang impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Regional Security Office sa pinakamalapit na embahada o konsulado ng Estados Unidos, o sa pinakamalapit na tanggapan ng FBI.
Maliban kung may tinukoy na karapatang-ari, ang impormasyon sa website na ito ay nasa pampublikong domain at maaaring gawan ng kopya, ilathala o kung hindi ay magamit nang wala ang pahintulot ng RFJ. Hinihiling naming mabanggit ang RFJ bilang pinagmulan ng impormasyon at na mabigyan ng katulad na pagkilala ang kumuha ng litrato o nag-akda o ang RFJ, kung naaangkop.
Kung may tinukoy na karapatang-ari sa larawan, graphic, o anumang iba pang materyal, kailangang makuha ang pahintulot para kopyahin ang mga materyal na ito mula sa pinagkunan. Bukod dito, dapat mong malaman na isang batas na pangkrimen, ang 18 U.S.C. 713, ay nagbabawal sa paggamit ng Great Seal (Malaking Sagisag) ng Estados Unidos sa ilalim ng mga partikular na sitwasyong nakasaad sa seksyong iyon;kaya, inirerekomenda naming sumangguni ka sa isang abogado bago gamitin ang Great Seal sa anumang konteksto.
Pinamamahalaan ang Rewards for Justice ng Diplomatic Security Service (DSS) ng U.S. Department of State. May kasamang seksyon ang DSS tungkol sa Rewards for Justice sa opisyal na website nito: https://www.state.gov/rewards-for-justice/. Direktang nag-uugnay ang page na iyon sa site na ito — ang opisyal na website ng RFJ — para magsumite ang mga tao ng mga tip.
You may choose from multiple platforms and contact us in numerous languages. To process your information efficiently, we ask you to state your information as succinctly as possible, provide your name, location, and preferred language, and upload all relevant files such as photographs, videos, and documents to support your information. An RFJ representative will soon contact you. Please be patient, as RFJ reads every tip we receive.
Please open your Line app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843
Please open your Viber app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843
Please visit our Tor-based tips-reporting channel at: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion
Maaari kang pumili sa maraming platform at makipag-ugnayan sa amin sa maraming wika. Upang maiproseso ang iyong impormasyon nang mabuti, hinihiling namin sa iyong isaad ang iyong impormasyon nang maikli hangga’t maaari, ibigay ang iyong pangalan, lokasyon, at mas ninanais na wika, at i-upload ang lahat ng nauukol na file gaya ng mga litrato, video, at dokumentong sumusuporta sa iyong impormasyon. Malapit nang makipag-ugnayan sa iyo ang kinatawan ng RFJ. Hinihingi ang iyong pasensya dahil binabasa ng RFJ ang bawat tip na natatanggap namin.
Mangyaring buksan ang iyong Line app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843
Mangyaring buksan ang iyong Viber app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843
Mangyaring bisitahin ang channel sa pag-uulat ng tips na nakabase sa Tor sa: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion