Opisyal na website ng pamahalaan ng Estados Unidos

Pinakamahuhusay na gawain ng TOR

Mayroong maraming paraan para mapaigting ang iyong personal na seguridad habang ginagamit ang browser na The Onion Router (TOR). Bukod sa paggamit ng TOR, inirerekomenda namin ang paggamit ng mga pinagkakatiwalaang serbisyo ng Virtual Private Network (VPN) upang higit pang mapaigting ang seguridad ng iyong web traffic. Sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang lokasyon ng server sa labas ng sariling bansa bago gamitin ang TOR, higit pang napoprotektahan mula sa pagsubaybay ang iyong web traffic. Sa loob ng TOR browser, mayroong ilang karagdagang configuration ang inirerekomenda sa loob ng seksyon sa “kaligtasan at seguridad”sa loob ng TOR. Una, i-enable ang iyong VPN. Pagkatapos:

  1. I-launch ang TOR browser
  2. Pumunta sa TOR settings at piliin ang “Privacy and Security” (“Pagkapribado at Seguridad”)
  3. Lagyan ng tsek ang kahon na “Delete cookies and site data when TOR browser is closed” (“Burahin ang cookies at site date kapag isinara ang TOR browser”)
  4. Mag-scroll pababa sa seksyon sa History (Kasaysayan): Baguhin ang settings sa “Never remember history” (“Huwag kailanman tandaan ang kasaysayan”)
  5. Mag-scroll pababa sa Permissions (“Mga Pahintulot”): i-click ang settings para sa camera, lagyan ng tsek ang “Block new requests asking to access your camera” (“Hadlangan ang mga bagong kahilingan hinihingi ang pag-access sa iyong camera”). Gawin din ito para sa microphone. Para sa dagdag na seguridad, takpan ang iyong harapang camera sa iyong device gamit ang tape o isang blocker.
  6. Mag-scroll papunta sa security (seguridad): i-click ang “Safest” (“Pinakaligtas”). Sa pamamagitan nito ay madi-disable ang mga partikular na function sa loob ng TOR ngunit magpapahintulot ng pinakaligtas na koneksyon.
  7. Mag-scroll papunta sa HTTPS-Only Mode: I-click ang Enable HTTPS-Only mode (Pahintulutan ang mode na HTTPS lamang) sa lahat ng windows. Sisiguraduhin nito na ang lahat ng iyong koneksyon ay naka-encrypt at ligtas.
  8. Pumunta sa “TOR” setting sa ilalim ng “Privacy and Security”
  9. Lagyan ng tsek ang kahong “Use a bridge” (“Gumamit ng bridge”)
  10. I-click ang “Request a bridge from torproject.org” (“Humiling ng bridge mula sa torproject.org”)
  11. I-enter ang captcha.
  12. Gamitin ang https://coveryourtracks.eff.org at https://ipleak.net upang makita kung ano pang matutukoy na impormasyon ang mayroon na sa natatanging paraan ay matutukoy ang iyong computer at web traffic.

Mga ligtas na paraan upang kumonekta sa TOR at sa TOR tip line ng Reward for Justice:

  1. Gumamit ng isang pinagkakatiwalaang serbisyo ng VPN na binabayaran mo. Ang mga libreng serbisyo ng VPN ay maaaring hindi laging ligtas.
  2. Ikonekta ang iyong device gamit ang pinagkakatiwalaang serbisyo ng VPN sa lokasyong nasa labas ng bansa mula sa kung saan mo ina-access ang TOR.
  3. I-launch ang TOR browser
  4. I-configure ang TOR security settings nang ayon sa tingin mo ay tama.
  5. Para sa dagdag na seguridad, gumamit ng pisikal na proxy gaya ng mula sa isang coffee shop o lobby ng hotel nang sa gayon ay hindi matukoy ng koneksyon ang iyong pisikal na home location.

Mga link sa impormasyon ng TOR tungkol sa kaligtasan at seguridad:

  1. Impormasyon tungkol sa TOR Bridges: https://tb-manual.torproject.org/bridges/.
  2. Impormasyon tungkol sa seguridad ng TOR: https://tb-manual.torproject.org/security-settings/.

SUBMIT A TIP

Do Your Part. Secure a Safer World.

There are many ways to submit information to Rewards for Justice.

You may choose from multiple platforms and contact us in numerous languages. To process your information efficiently, we ask you to state your information as succinctly as possible, provide your name, location, and preferred language, and upload all relevant files such as photographs, videos, and documents to support your information. An RFJ representative will soon contact you. Please be patient, as RFJ reads every tip we receive.

Please open your Line app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please open your Viber app to submit a tip. The number is +1 202 702 7843

Please visit our Tor-based tips-reporting channel at: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Magsumite ng Tip

Gawin ang iyong Bahagi. Tiyakin ang mas Ligtas na Mundo.

Mayroong maraming paraan para magsumite ng tip.

Maaari kang pumili sa maraming platform at makipag-ugnayan sa amin sa maraming wika. Upang maiproseso ang iyong impormasyon nang mabuti, hinihiling namin sa iyong isaad ang iyong impormasyon nang maikli hangga’t maaari, ibigay ang iyong pangalan, lokasyon, at mas ninanais na wika, at i-upload ang lahat ng nauukol na file gaya ng mga litrato, video, at dokumentong sumusuporta sa iyong impormasyon. Malapit nang makipag-ugnayan sa iyo ang kinatawan ng RFJ. Hinihingi ang iyong pasensya dahil binabasa ng RFJ ang bawat tip na natatanggap namin.

Mangyaring buksan ang iyong Line app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring buksan ang iyong Viber app para magsumite ng tip. Ang numero ay +1 202 702 7843

Mangyaring bisitahin ang channel sa pag-uulat ng tips na nakabase sa Tor sa: he5dybnt7sr6cm32xt77pazmtm65flqy6irivtflruqfc5ep7eiodiad.onion

Skip to content